MISTER SUPLADO
Lagi ka na lang nakasimangot
Noo mo ay laging nakakunot
Hindi ka ba marunong ngumiti?
Ganyan ka ba talagang palagi?
Hindi mo man lang ako nilingon
Noon nang magkita tayo doon
Baka hindi ako ang tipo mo
At sayo'y hindi ako pasado
Kailan ko ba pwedeng makita
Ngumiti ang tsinito mong mata
Kapag kinakausap na kita
Ang tipid mo pa ding magsalita
Gaano ang galit mo sa mundo
At laging mataas ang boses mo
Muntik na ring matakot ko sa iyo
Suplado man, ikaw ang gusto ko!
It's been years since my last poem for my husband. The inspiration just popped up! :)
No comments:
Post a Comment