My little kiddo requests if I could help him with his school assignment.
Hope this will help other mothers too J
KOTON
Ang Koton na tela ay maaaring maging lubhang matibay at kumportableng magsuot. Pinakamahusay gamitin sa ating klima sapagkat mabuting sumipsip ng pawis at maginhawang isuot
Karaniwang galing sa hibla ng halamang koton. Ito ay kapaki-pakinabang sa paggawa ng tuwalya, buli cloths, tea bags, tablecloths, bandages, at uniporme at mga sheet para sa ospital at iba pang mga medikal na mga gamit.
Kabilang dito ang Katsa, Voile, Oxford, Calico, Crepe at Percale.
KATSA - ang katsa ay isang uri ng tela na pinaglalagyan ng harina o flour.
VOILE – bestida, tshirt, daster
OXFORD- malambot, breathable at kumportable. Ginagsmit sa mga kamiseta, sportswear at damit pangtulog.
CALICO - magaspang at matingkad ang kulay nito. ito ay ginagawang kamisadentro at epron. ito ay yari sa koton.
CREPE -malambot at makintab ito. ito any ginagawang bestida, blusa, o damit panloob.
PERCALE – isand uri ng paghahabi ng hibla ng koton. Ginagamit sa bedsheets.
LINEN
Linen ang kinikilalang pinakalumang uri ng tela mula sa halamang Flax. Ito at malambot, matibay at may anti-fungal at anti-bacterial na properties kaya kalimitang ginagamit sa kumot at bedsheets.
LANA O WOOL
Ang Lana ay mula sa balahibo ng tupa. Ito ay makapal, magaspang, at mainit sa katawan kaya't mahusay gawing jacket, kumot at sweater.
SEDA
Ang Seda ay makintab,manipis, pino at mamahaling uri ng tela. Ang seda o silk na tela ay galing sa bahay o cocoon ng isang uri ng uod.
Kadalasang yari ang mga ito sa seda, ang makintab na tela na tinaguriang reyna ng mga hibla.
Ang sutla o seda ay isang uri ng tela. Ito rin ang tawag sa anumang damit o kasuotang yari mula sa ganitong uri ng tela.
Isa itong likas na hibla o pibrang gawa ng mga silkworm. Batay sa kasaysayan, nanggagaling ang sutla mula sa Tsina at napakamahal ng halaga nito.
SINTETIKO
Ito ay telang likha ng mga tao, yari sa kemikal. Hinahabi sa iba't ibang uri ng tela tulad ng Rayon, Nylon, Dacron at Banlon.
NAYLON ay isang uri ng sintetikong hibla o pibrang ginawa ng tao. Nagmumula ito o kabilang sa mga poli-amido, at parang plastik o parang tela, kaya't mayroong uri ng telang naylon.
Pangunahing ginagamit ang naylon para sa paggawa ng mga damit, mga karpet o alpombra, mga telang pangkurtina o panglaylay, mga balindang, at mga pangtakip sa mga upuan ng mga kotse at mga bus.
RAYON ay isang sintetikong hibla, sinulid o tela, o pibrang gawa ng tao] Bilang uri ng hibla, bunot, o pibra, isang itong pinanariwa (nagdaan sa rehenerasyon) o muling sinariwang selulosa. Nanggagaling ang rayon mula sa halamang bulak o kahoy.
POLIYESTER o poliester (Ingles: polyester, Kastila: poliƩster) ay isang uri ng resinang sintetiko at isa sa mga hibla o pibrang gawa ng tao.
Bilang hiblang sintetiko, ikinakalakal ito sa ilalim ng tatak o markang Dacron, Fortrel, Kodel, Vycron, at iba pa.
Pangunahing ginagamit ang polyester para sa paggawa ng mga lubid, mga damit, mga layag, mga tapete, at kurdon ng gomang gulong.
BATISTE - ito ay malambot, matibay, at makintab. maaring gawa ito sa koton.
Batista ay isang pinong tela na gawa sa cotton, lana, Polyester, o isang timpla, at ang softest ng magaan opaque na tela.
Padjama, kamiseta, punda ng unan.
BIRD'S EYE ito ay hinahabing may disenyong hugis dyamante at tuldok sa gitna tulad ng mata ng ibon. ginagawa itong lampin, twalya at pamunas ng kamay.
BROCADE - ito ay may pagkaseda at makintab. ginagawa itong curtina o pantakip sa mga muwebles. brocade” na ‘di na kailangan ng mga burda sapagkat nakadikit na mismo sa tela ang disenyo
CHIFFON – ay manipis at makintab na telang kadalasang ginagamit sa laces at laso sa damit.
ORGANZA – manipis at makintab at matibay na telang karaniwan gawa sa silkworm. Ginagamit sa maistilong panyo, gowns at kasootang pangkasal.