Maipagmamalaki ko na tinuruan ko ang aking mga anak sa tamang pagtatapon ng basura at ang kahalagahan nito sa ating kapaligiran.
Yun lang ??? haha. Alam kong maliit lamang ito ngunit tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko silang naghahanap ng basurahan para itapon lang ang candy wrapper. Kung minsa’y, ipit-ipit sa kanilang palad ang binilot na wrapper hanggang makarating sa bahay.
Napapangiti ako kapag nakikita kong isa-isa nilang inilalabas mula sa bag pang-iskwela ang pinagtasahan ng lapis at mga gusot na papel upang muli ay itapon sa basurahan sa aming tahanan.
Maliliit pa lamang sila noong simple kong ipinaliliwanag ko ang dahilan ng malimit na pagbaha sa aming bayan sa Santa Cruz. Ang makakapal na basura mula sa mga kabahayan na inagos na baha at ang masangsang na amoy nito ay labis na ikinaiirita nila.
Nawa’y matanim sa kanila ang munti kong paalala. Baunin nawa nila ito at ibahagi rin sa kanilang magiging pamilya.
No comments:
Post a Comment