July 09, 2013

Tula: Mga Anyong Tubig sa Pilipinas






I have made an impromptu poem because my little Lemon needs a  tagalog poem on the different bodies of water in the Philippines. I humbly share my poem to all mommies - i know how it feels! LOL






Ang Inang Pilipinas ay pinagpalang totoo


Sapagkat naliligid ng Karagatang Pasipiko

Dagat Tsina, Celebes, Sulu at Mindanao

Sa hiwaga at ganda himig at tula nagagawa



Tayo na’t maglimayon

sa payapang ilog at talon

Ang Rio Grande sa Mindanao

tayo ay magsitalon



Bukal na mainit-init marami sa Los Banos ang tungo

Meron din sa Albay gayun din naman sa Camiguin

Kung gusto mu naman sa Samar at Leyte

Kipot ng San Juanico sigurado ang byahe.



Sa lawa naman kilala ang Lawa ng Laguna

daungan namn ng barko ang Look ng Maynila,

Di patatalo ang Pangasinan sa ating kasaysayan

Pagkat ang Lingayen Gulf panalo sa pagalingan.





Tayo na’t magliwaliw sa mahal kong Talon sa Pagsanjan

Dinayaro ng turista ditto sa bayan ng Laguna

Kuryente ay di probleman sa lugar ng Zamboanga

Sapagkat meron silang Talon ng Maria Cristina



Pilipinas na Perlas ng Silanganan

Regalo kang tunay ng kalikasan!





No comments:

Post a Comment